Political strategy ang pinaiiral ng mga aspirants ngayon sa national post.
Ito ang pagtaya ni Atty. Joseph Emmanuel Cera, constitutional lawyer kaugnay sa nangyayaring mga political moves ng mga aspirants partikular na sa national posisyon kung saan tila wala na umanong ‘palabra de honor’ o ‘word of honor’ ang mga ito dahil taliwas sa kanilang sinasabi ang kanilang ginagawa.
Matatandaan na ginulat ng nakararami sa ginawang hakbang ni Davao city Mayor Inday Sara Duterte na tatakbo na ngayon bilang katandem ni dating Sen. Bongbong Marcos Jr.
Paliwanag ni Atty. Cera, ginagamit lamang nila ang nakasaad sa ilalim ng Omnibus election code hinggil sa posibleng pag-atras o pagpapalit ng kandidatura.
Binigyang diin din nito na sa pulitika, hindi dapat na pinaniniwalaan ng isang aspirant ang sinasabi ng katunggali nito at sa halip ay tuluyang maghintay ng pinal na resulta sa kung ano ang mangyayari matapos ang deadline ng substitution and withdrawal.
Dagdag pa ni Atty. Cera, may malaking role na ginagampanan din ang mga negosyante na nagsisilbing mga ‘political backer’ at mga supporter hinggil sa pagkapanalo ng isang aspirant sa kabila ng pagbabago nito ng pahayag bilang bahagi ng deception strategy na kanilang ginagamit.