DAGUPAN, CITY— Nananatiling maayos at tahimik pa sa ngayon ang lungsod ng Dagupan kung paguusapan ang nalalapit na local and national elections.
Ayon kay Dagupan City Comelec Officer Atty. Michael Sarmiento, patuloy ang ginagawa nilang trabaho at sa katunayan ngayong araw ay isasagawa ang unang araw ng ERB Meeting kung saan aaksyunan ng mga mga miyembro ng Election Registration Board ang mga nag pa rehistro.
Ayon kay Sarmiento, mula noong Oct. 8 ang last day of filing ng COC para sa mga kandidato at mula noon hanggang sa ngayon ay wala pa namang naghahain ng kanilang statement of withdrawal at wala pa ding nangyayaring substitution.
Ngunit kinakailangan pa ding antayin ayon sa opisyal ang Nov. 15 bilang huling araw na itinakda para sa filing ng substitition.
Patuloy din ang kanilang pakikipag uganayan sa ibat-ibang ahensya gaya na lamang ng pnp at mga guro na mgiging katuwang nila sa pagbabantay ng eleksyon.
Sa ngayon ay inaayos pa ng kanilang mga technical working group ang mga guidelines upang maisagawa ang makabagomg pamamaraan ng pangangampanya at asahan ayon sa opisyal na magkakaroon ng malaking pagbabago lalo nat kumakaharap pa din tayo sa pandemya. (with reports from: Bombo Lyme Perez)