Kadalasan na inirereklamo ng ilang estudyante ang mga bayarin sa mga eskuwelahan lalo na sa mga private school sa Commission on Higher Education o CHED Region.

Ayon kay Danilo Bose, OIC chief education program specialist ng CHED Region 1, kasama na rito ang mga fees na bnabayaran ng mga ito kahit hind nagagamit dahil wala ang mga estudyante sa eskuwelahan.

Dahil dito, nagrequest ang CHED sa mga eskuwelahan ng recalibration sa mga fees upang mapalit ito sa mga puwedeng gamitin ng mga estdyante kahit pumapasok ang mga ito sa mga eskuwelahan.

--Ads--

Sinabi ni Bose na kada buwan din ay nagsasagawa ng meeting ang mga eskuwelahan para sa concern ng mga estudyante kaya natutugunan ito bago pa lumalala.

Danilo Bose, OIC chief education program specialist ng CHED Region 1

Samantala, sa usapin naman ng academic break, parte umano ng academic freedom ng mga universities at colleges na magdeclare nito ngunit kailangan na makumpleto ng mga ito ang number of days sa isang semester.

Dahil hindi madali ang epekto ng pandemya sa mga estudyante ay ipinagpapasalamat ng mga ito na wala pang natatanggap na report ang mga ito ukol sa mga estudyante na nagkakaroon ng suicide tendencies dahil sa academics.

Nagpaalala naman ito na bigyan ng kaluwagan ang mga estudyante dahil sa hirap ng pag aaral ngayong nasa ilalim tayo ng pandemya.

Danilo Bose, OIC chief education program specialist ng CHED Region 1