DAGUPAN, CITY— Kinakailangan na ma-review pa ng mabuti ng senado ang pagsusulong ng ratification ng Rice Tarrification Law.

Ayon kay Engr. Rosendo So, chairman ng Samahan ng Industriya ng Agrikultura (SINAG), ang naturang ratification ay nakasentro sa Regional Comprehensive Economic Partnership o RCEP sa na siya namang nagdudulot ng matinding epekto sa mga local producers ng palay sa bansa.

Aniya, layon umano ng nabanggit na hakbang na mapababa ang taripa ng mga imported na mga bigas na pumapasok sa Pilipinas at ito umano ang siyang nagpapahirap sa mga magsasaka.

--Ads--

Dagdag pa niya, halos parehong mga tao rin ang nagsulong ng pagsali ng bansa sa RCEP at General Agreements of Tariffs and Trade ng World Trade Organization noong 1994, na nagbigay umano ng pangako ng pagpapaunlad sa sektor ng agrikultura ng Pilipinas, ngunit sa kabaliktaran umano ay wala umano itong naidulot na maganda para sa bansa.

Kaya naman saad ni So, sa halip umano na isulong ito ng senado, mas mainam umano na mapaigting na lamang ng pamahalaan ang pagsusulong ng mga programa na nakakatulong sa pagpapalakas ng local production sa bansa.

Kung ito umano ang mas pagtutuunan ng pansin ng kinauukulan ay magiging mas makakasabay na tayo sa ibang mga ASEAN countries pagdating sa pag-e-export ng mga produktong agrikultura at ito ay lubos umano na makakatulong sa mga local producers.