DAGUPAN, CITY— Sampung paaralan mula sa Region 1 ang makikibahagi sa pilot implementation ng limited face-to-face classes sa darating na Nobiembre 15.
Ayon kay Department of Education (DepEd) Ilocos Region Public Affairs Unit head Cesar Bucsit, mula sa 15 noon na nag-apply nasa 10 lamang mula sa 57 mababang paaralan ang pinayagan ng Department of Education (DepEd) at ng Interagency Task Force (IATF).
Kinabibilangang ito ng isa mula sa lalawigan ng Pangasinan partikular na ang Longos Elementary School sa lungsod ng Alaminos habang ang 9 na iba pa ay mula sa lalawigan ng Ilocos Norte.
Inihayag naman ni Bucsit na na may susunding lamang na bilang ng mga estudyante na puwedeng makilahok sa face-to-face classes alinsunod sa inilatag na direktiba at iisang guro lamang din para sa isang kuwarto.
Dagdag pa ng opisyal, isa sa mga requirement ng mga maaring makibahagi sa limitadong pagbubukas ng mga paaralan ay ang kanilang pinagmulang lugar kung saan dapat ay nasa low risk area ang mga ito at nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ), bukod pa sa pagiging fully vaccinated at ang pinakamahalag na consent o pagpayag ngmga magulang.
Samantala, ipinaliwanag naman ni Bucsit na ang naturang hakbang ay bahagi parin ng School Year 2021-2022.