‘New Norm’ nang maituturing ang pagsasagawa ng mga pag-atake ng grupo ng Islamic State affiliate Khorasan o IS-K sa bansang Afghanistan.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Bombo International Correspondent Joel Tungal sinabi nitong balik normal na ang kanilang pamumuhay matapos mangyari ang pag-atake ng IS-K sa pinakamalaking hospital sa Kabul na ikinasawi ng 23 mga indibidwal habang 50 ang sugatan.
Dagdag nito na nakaheightened alert na ang pamahalaan ng TAliban government sa maaaring pang susunod na pagatake.
Aniya, inaasahan na, na sa susunod na linggo ay magsasagawa muli ng pag-atake ang naturang grupo.
Ilan sa nasawi mula sa nangyaring pag-atake ay isang senior Taliban military commander mula Kabul na si Hamdullah Mokhlis.
Sinabi naman ni Taliman Spokesman Bilal Karimi na pinasok ng IS-K ang ospital na nagresulta sa barilan kung saan napatay ng Taliban fighters ang apat na suspek habang isa ang naaresto nang buhay.
Nanawagan naman ito sa lahat ng mga Pilipino na magdasal para malabanan ang terorismo hindi lamang sa Afghanistan, bagkos pati sa buong mundo.