Patuloy ang pagbaba ng kaso ng covid 19 dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Provincial Health officer Dra. Ana Marie de Guzman, sa kanilang latest data , nakapagtala ang lalawigan ng 44 na bagong confirmed case at kabuoang 576 ang active case.

Sa nasabing bilang 571 ay mula sa probinsya at lima sa lungsod ng Dagupan.

--Ads--

May 85 na mga bagong nakarekober sa sakit at dalawa ang nadagdag na nasawi kung saan bakunado at matanda na rin ang mga ito.

Sinabi ni de Guzman na ang contri-butory factors ng pagbaba ng kaso ay ang disiplina at pagsunod ng publiko sa health protocols gaya ng paggamit ng mask, face shield at social distancing.

Sa pagluluwag ng community quarantine ay pinaiksi na rin ang curfew hour sa lalawigan.

Dahil dito ay inaasahang makakabawi ang ekonomiya ng probinsya.

Provincial Health officer Dra. Ana Marie de Guzman