DAGUPAN, CITY— Nagpatupad ng Downgraded Travel Restrictions ang Pangasinan Police Provincial Office sa mga Quarantine Control Checkpoint dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Ito’y kasunod ng ibinabang Executive Order No. 0151-2021, o ang “IMPLEMENTING GUIDELINES ON MODIFIED GENERAL COMMUNITY QUARANTINE (MGCQ) sa probinsya ng Pangasinan simula Nobyembre 1-30, 2021.
Ayon kay PLt Col. Ferdinand De Asis, Deputy Provincial Director for Operations/PIO ng Pangasinan Police Provincial Office matapos ang patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19 infection kung saan ang mga travelers, maliban sa Authorized Person Outside Residence o APOR ay maari nang magtutungo sa lalawigan.
Kinakailangan umanong magsecure ng kaukulang permits sa pamamagitan ng pagrehistro sa S-PASS Travel Management System, na kailangang ipresenta sa border checkpoints kabilang na ang pagsunod sa minimum public health standards sa ilalim ng Section 4 ng nasabing E.O.
Dahil naman sa pagbaba ng alert alert level status sa National Capital Region (NCR) mula sa Alert level 4 at ngayoy alert level 3 na lamang, inabisuhan ni PCol. Ronald V. Gayo ang PNP Provincial Director, ang lahat PNP Personnel sa lalawigan na higpitan ang pagmomonitor sa Border Quarantine Controlled Checkpoints (BQCPs), sa pagsusuri ng mga travel requirements, lalo na ang mga sasakyang dumadaan sa boundaries sa probinsya.
Aniya, lahat ng mga fully vaccinated individuals na mayroong vaccination cards ay papayagang makapasok, maliban sa mga indibiwal na patungo sa probinsya ng Ilocos Sur at Ilocos Norte, kung saan kinakailangan ng negative RT-PCR Test or Antigen Result.