Mayroon nang limang higher education institution sa Region 1 nag ooperate sa ngayon ng limited face to face classes.

Ayon kay Dr. Danilo Bose, OIC-Chief Education Program Specialist, CHED Region 1, isa dito ay mula sa Ilocos Norte, 1 sa Ilocos Sur at 3 sa Pangasinan. Kinumpirma naman nito na bukod sa lima ay may ilan pang nag -apply na rin ngunit hindi pa naaaprubahan at patuloy pang inaassess.

Giit pa ni Bose na simula pa noong Pebrero ay pinayuhan na ang mga paaralan na magsecure ng authority mula sa kanilang tanggapan na isa sa mga pangunahing requirements.

--Ads--

Kaugnay aniya nito ay isinusulong ng CHED na kinakailangang maraming mabakunahang teaching personnels at estudyante upang mas maraming makapagbukas na institution ngayong second semester o sa susunod na school year.

Sa ngayon sa kabuuan sa Region 1 mayroon nang 7,998 na teaching personnel na nabakunahan o katumbas ng 79.78%. Umaabot naman sa 23.45% na nabakunahan na mga estudyante.

Dr. Danilo Bose, OIC-Chief Education Program Specialist, CHED Region 1

Bagamat mababa pa, tiniyak ni Bose na patuloy ang kanilang mass vaccination para sa mga estudyante at patuloy ang koordinasyon sa DOH Region 1, DILG upang makapag secure ng bakuna.

Nabatid na nakatakda namang magsagawa ng mass vaccination sa Pangasinan sa buwan ng nobyembre.