Kulang na kulang ang pangakong fuel subsidy ng pamahalaan sa transport sector.

Ayon kay Alliance of United Transport Organization Provincewide o AUTOPRO Pangasinan president Bernard Tuliao, sa pagtaya nito nasa P5,000 lang ang ibibigay sa mga driber at wala pa sa mga operator.

Ito aniya ay hindi makakasapat kaya umaapela itong dagdagan ang halaga ng ayuda para sa mga driber.

--Ads--

Sinabi ni Tuliao na mga driber lang sana ang makakakuha ng fuel subsidy dahil sila ang nagbabayad ng boundary pero pinag aapply din ang mga operator upang mabigyan ng ayuda.

Nabatid na hindi aniya pinayagan ng DoTr ang kanilang petition na fare increase.

Bilang alternatibo ay naglaan ng subsidy ang pamahalaan ng P1-B pondo ang gobyerno bilang ayuda sa mga apektado ng sunod-sunod na oil price hike kung saan inaasahang 178,000 PUV drivers ang magbebenepisyo sa ilalim ng Pantawid Pasada Program.

AUTOPRO Pangasinan president Bernard Tuliao

Inaasahan na rin ng grupo na medyo matagal bago matanggap ng mga transport group ang nasabing ayuda.