Nagbigay linaw si Pangasinan Vice governor Mark Lambino, presiding officer ng Sangguniang Panlalawigan sa pagdedeklara sa lalawigan sa state of calamity dahil sa tuloy-tuloy na epekto ng covid 19 pandemic at dahil sa epekto ng bagyong Maring.
Ayon kay lambino, ang pagkakaiba sa pagpasa ng proklamasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilagay sa state of Calamity ang buong bansa na pinalawig hanggang September 2022 dahil sa covid pandemic ay upang bigyan ng kapangyarihan ang lahat ng government agencies at lahat ng local Government units na tuloy tuloy na magbigay ng assistance at makipagtulongan upang lahat ng resources na puwedeng gamitin ng gobyerno ay magamit laban sa covid 19 pandemic.
Sinabi nito na ang binigay na kapangyarihan ng nasabing proklamasyon ay hindi otomatikong puwede ring gamitin ng mga LGU ang kanilang pondo para sa ibang kalamidad gaya ng kalamidad.
Kinailangan ng provincial government na magdeklara ng state of calamity upang ang resources ng provincial government ay magamit sa emergency purposes para tugunan ang epekto ng bagyo.