Posibleng magluwag ang quarantine status sa probinsya ng Pangasinan kapag nagtuloy tuloy ang pagbaba ng kaso ng covid 19.
Ayon kay 4th district board member Jeremy “Ming” Rosario, chairman ng Committee on Health sa Sangguniang Panlalawigan , kasunod ito ng ulat ng provincial IATF na nakitaan ng pagbaba ng kaso sa lalawigan at tumaas ang bilang ng mga gumaling na mula sa sakit.
Sinabi ng opisyal na aantayin pa hanggang katapusan ng buwan kung may pagbabago pa sa datos.
Muling nanawagan naman si Rosario na upang mapababa ang kaso ay kailangan na maging disiplinado ang mga tao at sumunod pa rin sa mga alituntunin.
Samantala, nanawagan din si Rosario sa publiko na huwag maging mapili sa bakuna.
Giit nito na tanggapin ang anumang bakuna dahil pare parehpng magbibigay ng proteksyon sa katawan laban sa covid 19.