Kinumpirma ni Atty. Jobert Pahilga, Human Rights and Public Interest Lawyer sa Myanmar ang pagpapalaya sa mga political prisoners alinsunod sa utos ng military junta.
Sa esklusibong panayam ng bombo radyo Dagupan kay Pahilga, sinabi nito na ang pagpapalaya ay kasabay ng kanilang religious festival, isa sa pinakamalaking holiday na sa Myanmar.
Wala aniyang kinalaman ang nasabing hakbang sa pressure mula sa United Nation o ASEAN .
Naging tradisyon na aniya na sa tuwing may holiday sa kanila ay may mga pinapalayang mga political prisoners.
Una rito ay inanunsiyo ng military junta leader ng bansang Myanmar na papalayain ang nasa mahigit 5,000 katao na ikinulong matapos ang walong buwan na nangyaring coup d’ etat na nagpatalsik sa civilian government noong Pebrero.
Nauna ng pinalaya ng Myanmar junta ang nasa mahigit 2000 anti-coup protesters sa bansa noong Hulyo kabilang na ang mga journalist na kritiko ng military