Mabuti ang pagtaggap ng mga mamayan sa Region 1 ang pagbabakuna sa mga menor de edad na 12 hanggang 17 anyos.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dr. Rheuel Bobis, focal Person ng Department of Health Region 1, ang pagbabakuna sa mga menor de edad ay gagawin sa pamamagitan ng phases.
Aniya, sinimulan na ang first phase sa Metro Manila kung saan ay may mga piling lugar o piling hospital na nagbabakuna sa mga kabataan.
Samantala ang second phase ay palalawigin sa National Capital Region o NCR at saka lamang umano palalaganapin ito sa buong bansa.
Samantala, sinimulan na rin ang pagbabakuna sa edad 18 anyos pataas.
Batay sa kanilang montoring mahigit pitung libo na ang nakakuha ng first dose at mahigit 500 na ang nakatanggap ng second dose.
Sa kasalukuyan, mahigit 1,800,000 na ang bakunado sa region 1.
Sinabi ni Bobis na ito ay katumbas ng 22.78 percent pa lang nga total target na population na mabakunahan sa rehiyon.
Sa priority group na A-1 ay nasa 1,225,572 ang nakakuha na ng first dose at 847,346 ang second dose.
Giit ng opisyal na 50 percent ng popultion sa region 1 ang target nilang mabakunahan ngayong taon at sa unang bahagi ng taong 2022 para makamit ang herd immunity.
Dagdag pa niya na hindi pa sapat ang bakunang dumarating sa rehiyon kaya sila ay nakikIpag ugnayan sa national vaccination operation center upang dagdagan ang binibigay na bakuna.