DAGUPAN, CITY— Nagbabala ang PAG-ASA-Dagupan sa mga nakatira sa mga low-lying areas at malapit sa mga ka-ilogan sa lalawigan ng Pangasinan na mag-ingat ngayong panahon dahil sa bagyong Maring.
Ito ay matapos na mapabilang ang probinsya sa Tropical Cycle Storm Signal no. 1 at nagdudulot ng pag-ulan sa malaking parte ng Pangasinan.
Ayon kay Joe Estrada ng PAG-ASA-Dagupan, sa ngayon ay nasa 350km East ng Aparri, Cagayan ang naturang bagyo, taglay din nito ang lakas ng hangin na aabot sa 85km/ph at ang pagbugso dulot nito ay nasa 105 km/ph.
Aniya, pinapalakas din ng nabanggit na bagyo ang habagat na magdadala ng mga pag-ulan lalo na bahagi ng Eastern Pangasinan.
Inabisuhan din niya ang mga mangingisda na huwag munang pumalaot dahil na rin sa mataas na alon sa mga karagatan ngayon.
Dagdag pa ni Estrada, asahan umano na mayroon pang 1 bagyo ang darating sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa buwan ng Oktobre at 6 naman bago matapos ang 2021. (with reports from: Bombo Lyme Perez)