Itinaas na sa blue alert status ng Pangasinan PDDRMO, ang iba’t ibang local disaster risk reduction ang management council sa lalawigan dahil sa bagyong Maring.

Ayon sa nakuhang impormasyon ng bombo radyo Dagupan sa PDRRMO, inalerto na nila ang bawat bayan at siyudad sa lalawigan upang maging handa sa magiging epekto ng bagyo sa probinsya na sa ngayon ay nakataas sa Tropical Storm Signal No. 1.

Nabatid na nakahanda na rin ang mga equipment na maaring i-deploy sakaling kailanganin para sa isasagawang search and rescue operation dahil sa inaasahang mararamasang pag-ulan dulot ng bagyo.

--Ads--

Nakatutok din ang PDRRMO sa mga coastal areas sa lalawigan at nagbigay abiso na sa mga mangigisda na huwag munang pumalaot ang mga ito dahil delikado at magiging maalon sa karagatan para maiwasan ang anumang sakuna.