DAGUPAN, CITY— Maghaharap para sa pagkagobernador ng lalawigan ng Pangasinan sa 2022 election si incumbent Pangasinan Governor Amado Pogi Espino III at 5th district Congressman Ramon “Mon-Mon” Guico III matapos ang kanilang pormal na paghahain ng Certificate of Candidacy o COC ngayong araw.

Ayon sa Bombo Radyo Newsteam, alas 7:30 ng umaga nang magtungo sa provincial comelec office si Espino upang isumite ang kaniyang COC kasama ang kanyang ka-tandem sa pag-bise gobernador na si incumbent Pangasinan 2nd district Board Member Nestor ‘Nikiboy’ Reyes at ng kanilang kasamahan din na tatakbo bilang mga board members.

Kabilang sa mga tatakbo bilang board members sa ilalim ng kanilang partido sila; Richard Camba at Margielou Orange Humilde Versoza sa 1st district, at Randall Bernal at Haidee Pacheco sa 2nd district, Raymund Camacho at Shiela Marie Baniqued sa 3rd district, Agerico Rosario at Marinor De Guzman sa 4th district, habang sina Clemente Arboleda Jr. at Jan Louie Sison naman ang tatakbo para sa 5th district habang sina Salavador Perez Jr. at Noel Bince ang siyang kakandidato sa 6th district.

--Ads--

Tatakbo si Espino sa kinaanibang partido nitong abante pangasinan at sa PDP pa rin ang kanyang national party.
Naniniwala rin si Espino na magandang maniwala sa pamahiin ng mga matatanda kaya maaga itong nagtungo sa Provincial Comelec Office para maghain ng kanyang kandidatura.

Napili umano nito ang October 7 bilang pagsunod na irn sa paniniwala ng mga matatanda na swerte ang numero 7 at upang masiguro na kapag may mga aberya ay malutas umano agad ito isang araw bago ang deadline ng filling ng COCs.

Matapos nito ay agad na bumalik sa kapilyo ang grupo ng gobernador upang ituloy umano ang trabaho.

Kasabay naman ng paghain ng kandidatura ng imcumbent governor ay ifi-nile din nila ang partylist group na tinawag na Abanti Pangasinan Ilocano o API bilang isang regional partylist.

Samantala, matapos magpasa ng kaniyang CoC, sumunod namang naghain na rin ang kandidatura para sa pagkagobernador si 5th district Congressman Ramon “Mon Mon” Guico III kasama ang kanyang katambal sa pagkabise gobernador na si incumbent Vice Governor Mark Lambino pasado 11 kaninang umaga.

Magiging kaalyado naman nito si first district Cong. Arthur Celeste at former Cong. Mark Cojuancgco ng ikalawang districto.

Magiging kaalyado din nito sina MTRCB chairman Rachelle Arenas na tatakbo bilang kongresista sa ikatlong distrito ng Pangasinan, 4th district Cong. Toff De Venecia at ama nito na si Ramon “Monching” Guico Jr. para sa ikalimang distrito gayundin si Cong. Marlyn Primicias Agabas ng ikaanim na distrito ng Pangasinan. (with reports from: Bombo Marven Majam)