Nasa sa mahigit P1 billion na halaga ng shabu ang nasabat ng mga otoridad s anti-illegal drug operations sa Bacoor, Cavite.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PDEA Region 4A Director Juvenal Azurin, nahuli ng pinagsanib na puwersa ng PDEA, PNP, Bureau of Customs, NICA at AFP ang tatlong individual na pawang taga Bukidnon kung saan nakuha mula sa mga ito ang 149 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P1.2 bilion.
Lumalabas sa imbestigasyon na ang malaking volume ng shabu ay dadalhin sana sa Mindanao area.
Sinabi ni Azurin na nakakalungkot dahil kahit puspusan ang kampanya nila laban sa ilegal na droga ay marami ang hindi tumitigil.
Naniniwala si Azurin na maganda ang kooperasyon ng ibat ibang ahensya kaya natutumbok ang malalaking volume ng droga sa bansa.