DAGUPAN CITY — Siniguro ng Commission on Election (COMELEC) Pangasinan na nasunod ng tama ang health protocol kaugnay sa paglaban sa COVID-19 sa pagsisimula ng unang araw ng filing ng Certificate of Candidacy (CoC) sa iba’t-ibang tanggapan ng Commission on Election (COMELEC) sa probinsya.
Ayon kay Atty. Marino Salas, Provincial Election Supervisor ng COMELEC Pangasinan, maayos na naipatutupad safety protocols sa kanilang mga local offices.
Dagdag pa nito, na bagamat maraming mga aktibidad ang nabago sa mga ginagawa noon sa paghahain ng kandidatura, dahil sa kinakaharap nating pandemic katulad nalamang ng pagbabawal na sa pagdadala ng mga supporters, ay nasusunod naman ng maayos ang inilatag na health protocols.
Kaugnay nito, hinikayat ni Salas ang mga susunod na pulitiko na maghahain ng kanilang CoC at kanilang mga supporters na sumunod din sa kanilang panuntunan upang maiwasan ang pagkalat ng naturang nakamamatay na virus. (With reports from Bombo Adrianne Suarez)