DAGUPAN CITY  — Hinikayat ng PNP Pangasinan ang mga supporters ng mga politiko na huwag ng sumama pa sa paghahain ng mga ito ng kanilang mga Certificate of Candidacy (CoC).

        Ito ang naging panawagan ni P/Maj. Arturo Melchor, tagapagsalita ng Pangasinan Police Provincial Office, sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan kaugnay sa kanilang isinagawang assessment unang araw ng filing ng CoC na magtatagal ng hanggang Oktubre 8.

        Aniya, may kinakaharap tayong pandemiya at isa sa iniwasan ngayon na mangayri ang pagkalat ng COVID-19 kayat kailangan na limitahan ang kilos at tuluyang baguhin ang mga nakasanayan na paraan ng paghahain ng CoC katulad ng pagsasagawa ng programa at pagdadala ng mga supporters.

--Ads--

        Kasunod nito, iginiit ni Melchor na dapat ay gamitin nalamang ang kasalukuyang situwasyon sa pagiisip ng tama sa pagboto at ikonsidera ang ilang bagay katulad ng pagsunod ng mga pulitiko sa tamang health protocol kaugnay ng COVID-19 pandemic. (with reports from Bombo Framy Sabado)