Pormal ng sinampahan ng kasong parricide ang mismong anak ng guro na nasawi sa pananaksak sa bahay nito sa barangay Terece sa lungsod ng San Carlos.
Ayon kay PMaj Arturo Melchor, tagapagsalita ng Pangasinan Police Provincial Office, matapos aminin ng suspek na si Aravani Nisperos, 20 anyos na siya mismo ang pumatay sa sariling ina na si Maria Cristina Nisperos ay sinampahan na ito ng kaso.
Dagdag pa ni Melchor na selos ang nakikitang motibo ng suspek sa pananaksak sa ina dahil mas pinapaboran umano nito ang kanyang kapatid na naging sanhi ng kamatayan nito.
Samantala, hihintayin pa ng kapulisan ang medical result ng suspek upang malaman kung nasa tamang katinuan o mayroon ba itong sakit sa pag iisip.
Matatandaan na setyembre 21 taong kasalukuyan nang masawi sa pananaksak ang guro sa mismong tahanan nito kung saan ang anak na si Aravani Nisperos, 20 anyos, ay sugatan din at kinalaunan ay umaming siya ang may kagagawan sa krimen.