Nagpositibo ang ilang close contacts ng walong delta positive cases ng lungsod ng Dagupan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, inihayag ni Dr. Ophelia Rivera, Dagupan City COVID-19 Focal Person, kasalukuyan ng nasa isolation facilities o strict home quarantine ang mga ito.

Ayon kay Dr. Rivera, hindi pa matukoy sa ngayon kung ilan ang lahat sa mga close contact nila ang nagpositibo sa naturang sakit dahil patuloy na hinihintay ang resulta ng kanilang confirmatory tests.

--Ads--

Ngunit siniguro naman ng kanilang tanggapan na walang nakararanas ng severe symptoms sa mga ito.

Habang ang walong delta variant na nauna nang inihayag sa publiko ay pawang mga negatibo na sa nasambit na virus.

Lahat ng mga ito ay nagpostibo sa Covid-19 noong pang Agosto 16, 2021. Matatandaang tatlo sa mga nagpositibong Delta variant cases ay mga medical frontliners.

Dr. Ophelia Rivera, Dagupan City COVID-19 Focal Person

Samantala, nitong Linggo, September 19 ay 65 ang dumagdag sa COVID-19 tally ng siyudad.

Sumatotal, 4,114 na ang naitala sa Dagupan City mula sa 32,623 tests na kanilang isinagawa.

2,922 naman ang kabuuang bilang ng mga gumaling na; 136 naman ang mga nasawi; at 1,063 ang nanatiling aktibong kaso.

Ang hindi pagsunod sa mga nakatalagang minimum public health & safety standards ang siyang pangunahing rason kung bakit umano patuloy ang pagkalat ng COVID-19 sa lungsod.