Nakadepende na lamang sa Taliban government ang magiging desisyon o parusa sa Estados Unidos kasunod ng pag-ako nito sa pagkamatay ng 10 sibilyan sa drone strike sa Kabul, Afghanistan.

Ayon kay Bombo International Correspondent Joel Tungal mula sa Kabul, Aghanistan, sa ngayon ay wala pa umanong anunsyo ang Taliban kaugnay sa isyu ngunit asahan naman na sa susunod na mga araw ay magbibigay na sila ng komento ukol rito.

Matatandaang nauna nang sinabi ni Chairman of the Joint Chiefs Gen. Mark Milley na nakapatay sila ng ISIS-K facilitator at tatlong sibilyan noong drone strike at ito ay naging sapat lamang na operasyon subalit lumabas sa imbestigasyon na ang mga napatay sa residential compound ay pawang mga sibilyan.

--Ads--
Bombo International Correspondent Joel Tungal mula sa Kabul, Aghanistan

Samantala, may posibilidad na ang pagbubukas ng klase para sa mga kababaihan sa bansang Afghanistan.

Ito ay matapos na magbukas na ang klase sa mga kalalakihan ngunit ang mga babae ay hindi pa pinahintulutang pumasok.

Sa ngayon ay matinding pinagdedeskusyunan pa ng Taliban government ang naturang hakbang lalo na at maraming kababaihan at mga kabataan sa naturang bansa ang dismayado dahil sa naturang desisyon.

Bombo International Correspondent Joel Tungal mula sa Kabul, Aghanistan