DAGUPAN,CITY— Pinangangambahan ngayon umano ng mga awtoridad sa Amerika ang pagpasok ng drug cartel matapos dumagsa ang higit sa 10,000 migrants at nagtipon-tipon sa tulay ng US-Mexico border dahil sa tumataas na humanitarian crisis.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Bombo International News Correspondent Estela Fullerton sinabi nitong maaari pang pumalo sa 20,000 ang mga migrante sa tulay na kumokonekta sa Del Rio ng Texas at Ciudad Acuna sa Mexico sa mga susunod pang araw.
Sinabi rin nito na sinasamantala ng mga drug lords ang naturang pangyayari upang makapasok sa US kung kaya’t mas pinaiigting ngayon ang pagbabantay ng mga Border Patrol police.
Ikinakabahala rin ng kanilang gobyerno ang maaaring pagkalat ng Covid-19 virus dahil sa hindi pagsunod ng mga health protocols tulad ng pagsusuot ng face masks at social distancing.
Aniya karamihan sa mga ito ay mga Haitians na sinalanta ng nakaraang kalamidad.
Matatandaang sinalanta ng malakas na paglindol ang bansang Haiti noong Hulyo kung saan 2,000 ang naitalang nasawi.
Dagdag naman ni Fullerton na ipinagbabawal ang pagtawag sa kanila na illegal immigrants bagkos sila ay itinuturing na ‘undocumented immigrants’