Naaresto ang isang high value target personality ng pinagsanib na puwersa ng PDEA Pangasinan Provincial Office, PDEA Regional Office 1, Urdaneta City Police at iba pang operating unit sa isinagawang buy bust operation sa Brgy. Nancayasan, lungsod ng Urdaneta.
Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA provincial Officer Richie Camacho, sa lungsod ng Urdaneta, kinilala ang naaresto na si Robin Macaraeg.
Sinasabing bumiyahe pa ito mula NCR patungo sa nasabing lugar.
Nakipagtransaction umano ang isang PDEA agent sa suspek na resulta sa kanyang pagkakaaresto.
Kabilang sa mga nakumpiska rito ay 50 grams ng shabu na umaabot sa halagang 340,000.00, isang one thousand peso bill at One Hundred Ninety-nine 199 pcs ng P1,000 na boodle money na ginamit bilang buy bust money, (1) unit ng Cellphone at ID.
Nabatid na sa taong ito ay mayroon na silang tatlong operation at tatlong huli ng mga tinaguriang high value target.
Kumigit kumulang naman 100 gramo ng pinaghihinalaang shabo na nagkakahalaga ng P680,000 ang nahuli sa nasabing mga drug buy bust operation.