Isang malaking inspirasyon ang nangyari sa kakatapos lamang na US Open.
Giit ni Bombo International News Correspondent Atty. Arnedo Valera, US Immigration Attorney sa Washington DC, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, hindi lang ang parehong magandang performance na ipinakita ng mga kapwa teenager na sina British professional tennis player Emma Raducanu at Filipina-Canadian na si Leyla Fernandez ang nakahatak sa US Open.
Paliwanag nito, bukod sa mga record breaking na nagawa ng mga ito dahil sa kanilang galing sa murang edad, isa sa mga nakahatak ang multi-cultural inclination ng mga ito.
Magsisilbi aniya itong inspirasyon para sa mga immigrants na patuloy na suportahan ang kanilang mga anak na nahihilig sa larangan ng sports dahil wala itong pinipiling lahi.
Ang Filipina Canadian na si Leyla ay ranked number 73 sa buong mundo, habang ang 18-anyos na si Raducanu mula sa Britanya ay pang-150 sa ranking.
Ang 19-anyos na si Fernandez ang pinakabatang manlalaro mula pa noong taong 1999 kung saan 17-anyos pa lamang noon na si Serena Williams, ay tinalo ang tatlo sa top-5 players sa isang major tournament.
Sa panig naman ni Raducanu, kabilang sa marami niyang record ang unang British woman na sumabak sa major singles final sa loob ng 44 na taon. Ang ina ni Raducanu ay isang Chinese.