Itinaas na sa blue alert status ng Pangasinan PDDRMO, ang iba’t ibang local disaster risk reduction ang management council sa lalawigan dahil sa posibleng epekto ng bagyong Kiko.

Ayon kay Ronn Dale Castillo ng PDRRMO, bagaman hindi direktang tatama ang bagyo sa lalawigan ay mahalaga aniya na makapaghanda upang hindi magpakampante ang mga ito at masiguro ang kaligatasan ng mga Pangasinense.

Aniya, nakahanda na rin ang mga equipment na maaring i-deploy sakaling kailanganin para sa isasagawang search and rescue operation sakaling magkapagtala ng pag-ulan dulot ng habagat.

--Ads--

Nagpaalala naman si Castillo sa mga mangigisda na huwag munang pumalaot ang mga ito hanggat mayroon pang mga bagyo na namataan malapit sa lalawigan para maiwasan ang anumang sakuna.