Asahan na ang pagtala ng mas matataas na kaso ng Covid-19 sa lungsod ng Dagupan ngayong buwan ng Setyembre kung saan ay 80-90% nito ay maaaring local transmission na ng mas nakakahawang Delta variant.

Ito ang naging pahayag ni Dagupan City Mayor Brian Lim kasunod ng paglalagay sa lungsod sa General Community Quarantine na magiging epektibo bukas.

Pagsasaad rin nito na gumaling na rin ang dalawang naitalang kaso ng Delta variant sa lungsod.

--Ads--

Isang buwan pa umano ang inaabot bago malaman kung nagkadelta variant ang isang pasyente kung kaya’t naniniwala ito na hindi na kinakailangan pang magsagawa ng sapat na ebidensya o genome sequencing para masabing ang mga naidadatos na kaso ng Covid-19 ay delta variant.

Pinag-iingat rin ni Lim ang publiko lalong lalo na ang sa mga unang araw pa lang ng buwan ay nagdadatos na ng aabot sa libo libong kaso ng Covid-19 ang bansa.

Aniya patuloy na sumunod sa mga panuntunan na kanilang inilatag sa pagsisimula ng General Community Quarantine.

TINIG NI MAYOR BRIAN LIM

Samantala ay sinabi nitong handa ang lungsod kung sakaling mas madaragdagan pa ang mga pasyenteng nagkakacovid. Sapat umano ang kanilang mga quarantine facilities at operational n rin umano ang kanilang step-up facility para sa mga pasyenteng nakakaranas ng moderate to severe cases ng Covid-19.

Hinikayat din nito ang mga residente na magpabakuna dahil aniya 75-80% na tinatamaan ng severe symptoms ay hindi nabigyan ng Covid-19 vaccine.

Sinabi rin nito na humiling na siya ng karagdagan pang bulto ng suplay ng bakuna sa Department of Health para maging tuloy-tuloy ang vaccination rollout sa mga residente ngayong nalalapit na ring maubos ang natitira pang mga Covid-19 vaccines lungsod.