Nababahala si Pangasinan Vice Governor Mark Lambino sa dami ng kaso ng covid 19 sa lalawigan.

Ayon kay Lambino, punuan na ang 14 na pampublikong ospital dahil sa pagtaas ng kaso ng covid 19 sa nakalipas na dalawang linggo.

Nabatid na marami nang nagkakasakit na mga health workers kaya inistriktuhan ang quarantine sa mga empleyado ng ospital na nagpopositibo.

--Ads--

Nagdagdag na rin ng mga personnel sa mga hospital upang tulungan ang mga hospital na puno na ng mga kama.

Sa ngayon ay limitado ang mga hospital na puwedeng pagdalhan ng mga severe cases.

At kapag di na talaga kaya ang protocol ay dadalhin sa mga pribadong hospital pero ang problema ay mahaba na rin ang pila ng mga covid positive at aymptomatic.

Pangasinan Vice Governor Mark Lambino

Samantala, sa pinakahuling tala ng COVID-19 cases sa lalawigan, nasa 194 ang bagong naitalang kaso ng nabanggit na sakit, 42 ang mga bagong recovered cases, at 7 naman ang mga panibagong nasawi .

Sa ngayon ay may 2,779 na ang active cases sa lalawigan.