Nasa higit 1 milyong doses na ng COVID-19 vaccines ang naituturok sa buong rehiyon 1.

Ito ang pahayag ni Dr. Rhuel Bobis, ang medical officer IV ng Department of Health (DOH) Region 1 ukol sa ginagawang vaccination activity sa rehiyon.

Ayon kay Bobis, nasa 1,129,939 doses na ng nabanggit na bakuna ang natanggap ng mga priority groups sa bansa at sa nasabing bilang, 613,536 dito ay sa 1st dose, 294, 315 naman para sa 2nd dose, at 22,888 naman ang nakatanggap ng one dose series ng bakuna.

--Ads--

Aniya, dahil sa pagdami ng dumadating na suplay na bakuna ay mas dumarami na umano ang doses na kanilang naibabakuna sa isang linggo sa rehiyon.

Pagkukumpara ni Bobis, kung dati ay nasa 10,000 hanggang 15,000 doses lamang ang naituturok kada isang linggo, ngayon ay umaabot na ito sa 30,000 to 35,000 doses a week.

Dr. Rhuel Bobis, medical officer IV ng Department of Health (DOH) Region 1

Dagdag pa niya, patuloy ang ginagawang vaccination program ng oamahalaan bilang protreksyon mula sa mild to severe effects