Isang buwan pa ang hihintayin ng mga residente ng Louisiana upang tuluyang bumalik ang kuryente at ang pagkakaroon ng sapat na suplay ng gasolina matapos hagupitin ni Hurricane Ida ang Hilagang Silangang bahagi ng Amerika.

Sa eksklusibong pahayag ng Bombo Radyo Dagupan kay Bombo International Correspondent Estella Fullerton sinabi nitong ilang mga reklamo mula sa halos isang milyong apektadong residente ang natatanggap ng pamahalaan dahil sa pagtala ng pagtaas presyo ng gasolina sa gitna ng kaubusan ng suplay nito.

Lubhang tumataas na kasi ang temperatura sa iba’t bahagi ng Amerika kung saan inaasahang tatama sa 105 degrees ang heat index sa ibang mga lugar kung kaya’t dumaraing ang ilang mga residente lalong lalo na sa mga dumedepende sa mga gas-powered electricity upang mapawi ang mainit na klima.

--Ads--

Samantala patuloy pa ring umaakyat ang mga kaso ng nasasawi kung saan aabot na sa higit 50 at may naidadatos pa ring nawawala.

TINIG NI ESTELLA FULLERTON