Sa pagtataya ay maaaring umabot sa 80 billion dolyar o aabot sa halos 4 na trilyong piso ang halaga ng pinsalang idinulot ng Bagyong Ida sa Hilagang Silangang Amerika.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Bombo International Correspondent Atty. Arnedo Valera ay sinabi nito na sa halos 35 bilyong galon ng tubig ang inulan ni Hurricane Ida na nagdulot ng malawakang pagbaha sa limang estado ng Amerika partikular na sa New Jersey.

TINIG NI ATTY. ARNEDO VALERA

Aniya naranasan ang mapaminsalang pagbaha at mga biglaang buhawi na ikinasawi ng higit sa 50.

--Ads--

Sa kasalukuyan ay nasa ilalim pa rin ng states of emergency ang New York, New Jersey at Pennsylvenia dahil sa hindi pa rin paghupa ng naturang baha.

Unang tumama ang Category 4 Hurricane Ida sa Louisiana noong Linggo na nagdulot ng malawakang pagkawala ng kuryente sa halos 1 milyong mga kabahayan at sa ngayo’y nakakaranas na ng kakulangan sa suplay ng gasolina.