Umaabot sa 23 hospital at ilang opisyales ng Philheath ang sinampahan ng kaso ng NBI Dagupan.
Ayon kay NBI Dagupan Director Rizaldy Jaymalin patong patong na kaso tulad ng violation of sec 44 of ra 10606 o national health insurance act, technical malversation sa ilalim ng article 220 ng revised penal code, violation ng section e, g at j o anti graft and corrupt practices act ang isinampa sa Philheath.
Habang administrative cases for grave misconduct, grave dishonesty, gross negligence and conduct prejudicial to the best interest to the service naman ang isinampa sa mga opisyales at kawani ng philhealth.
Paliwanag ni Jaymalin na sa imbestigasyon, nang inilabas ang interim reimbersement fund na dapat gamitin ng mga hospital sa mga covid19 patients o ayuda para matugunan ang pagdagsa ng mga pasyenteng may covid.
Pero ang nangyari ang ginawa ng mga ospital kahit hindi covid patient ay nagclaim sila ng reimbursement mula sa interIm reimbursement fund na inilabas ng Philhealth.
ayuda sa mga hospital ay may mga anomalyang nakita tulad ng pagclaim ng reimbursement fund kahit na hindi covid19 case ang pasyente kaya marami dito ang invalid claims.
Nagfile na rin sa office of the obudsman ng 18 cases sa mga medical directors at owners ng hospital kasama ang opisyales ng philhealth magmula sa national leadership hanggang Philhealth region1.
23 mga hospital naman ang nasampahan ng kaso kasama dito ang Candon Saint Martin Depores Hospital, city of candon hospital, Del Carmen Medical clinic and hospital, Divine Mercy Foundation of Urdaneta hospital, El corazon de Jesus Medical and diagnostic clinic, Gaoat General Hospital, Ilocos Sur District Hospital, Asingal Jesus Nazarene General Hospital, Judge Celestino Guerero Memorial Hospital, La Union Medical Center, Norma Medical Center Incorporation, Mariano Marcos Memorial Hospital, Pangasinan Doctors hospital, Pira Hospital, Sta Teresita Hospital, Santo Kristo Milagroso Santo Nino Hospital at Tayug Family Hospital.
Maliban dito ay may 26 pa na ospital ang iniimbestigahan na posible ring makasuhan.
Tiniyak naman ni Jaymalin na dumaan muna sa pagrepaso sa mga dokumento at imbestigasyon bago isinampa ang kaokolang kaso.