Nananatiling nasa Modified General Community Quarantine o MGCQ ang lalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay police major Arturo Melchor Jr., tagapagsalita ng Pangasinan PPO, kasalukuyan pa ring hinihintay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ang tugon ng regional IATF sa kahilingan ng provincial government na ilagay ang lalawigan sa MGCQ patungong GCQ dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng covid 19 sa lalawigan.
Paliwanag ni Melchor, nakakabahala ang bilang ng naitatalang kaso sa lalawigan kaya ang nais ni Pangasinan gov. Amado Pogi Espino ay itaas ang classification ng lalawigan upang mabantayan ang galaw ng mga tao at nang mapababa ang kaso ng covid 19 .
Sa ilalim ng GCQ, magiging istrikto sa mga alintuntunin. Nangangahulugan na malilimitahan ang mga indoor at outdoor activities at may percentage na rin sa mga social gatherings.
Kailangan ding 18 years old hanggang 65 anyos lang ang edad na puwedeng lumabas.
Dagdag ni Melchor na nakahanda na ang buong puwersa ng kapulisan sa pagpapatupad ng mas istriktong mga panuntunan.