DAGUPAN, CITY— Isinusulong na ng Region1 Medical Center ang surge response plan dahil sa pagpalo sa 100 percent occupied ng hospital sa covid at maging sa non covid facilities.

Ayon kay Dr. Roland Mejia ang Region1 Medical Center Director, hindi makontrol ang pagdami ng mga pasyente dahil ang karamihan ngayon ay walang disiplina at mas delikado pa ito ngayon dahil sa bilis ng transmission ng delta variant.

Sisimulan na rin ang surge response plan A kung saan ang 120 beds alloction ng covid19 patients ay dinadagdagan ng 170 beds upang matulungan ang mga pasyenteng nangangailangan.

Dagdag pa dito ay isinara na din ang out patient department kung saan aminado naman si Dr. Mejia na talagang makokompromiso ang regular na pasyente lalo na at dahil sa tagulan ay tumataas ang ilang sakit katulad ng dengue at leptospirosis.

--Ads--

Nanawagan naman ang direktor sa publiko na maging disiplinado at magtulungan sa pagsunod ng health protocols upang huminto na ang transmission ng covid19 upang hindi maoverwhelm ang health capacity ng hospital.