Nagsagawa ng rally ang halos isang libong mga nagmamay ari ng Private motor vehicle sa lungsod ng Urdaneta na tutol sa implementasyon ng Private Motor Vehicle Inspection Center o PMVIC.

Ayon kay Ramon Ramos, presidente ng Urdaneta TODA, nagtipon tipon sila para sana sa isang dayalogo pero walang nangyaring magandang usapan dahil sa pag aaklas ng mga motorista.

Sinabi nito na maganda ang programa pero hindi maganda ang implememtasyon dahil mistulang napahirapan ang mga motorista sa pagpapainpeksyon sa kanilang mga sasakyan.

--Ads--

Hadlang aniya ito pamamasada ng mga tricycle driber dahil kunting sira at nakitaan ng luma ay pinapapalitan na ang piyesa na dagdag sa gastusin nila.

Sa ilalim ng programa, inoobliga ang mga motorista na magpa inpeksyon ng kanilang mga sasakyan sa PMVIC.

Kailangan na maging pasado muna ang sasakyan sa PMVIC bago mairehistro o makapagrenew ang sasakyan at kung babagsak sa test, kinakailangang ipa-repair ang nakitang depekto at ibalik sa PMVIC kung saan mayroon na namang bayarin.

Marami aniyang bumagsak na private vehicle sa isinagawang test sa PMVIC. Ang masaklap pa rito ay pina papalitan ng bagong piyesa ang kanilang sasakyan.

Ramon Ramos, presidente ng Urdaneta TODA

Apela nila na huwag na silang pahirapan sa mga gastusin dahil panahon ng pandemya.

Samantala, umaasa pa rin si Ramos na magkaroon ng dayalogo sa pagitan nila at ng PMVIC.