Nagpaalala ang Department of Health sa Region 1 na hindi pa rin aprubado ang pagtuturok ng mga booster shots o karagdagang turok ng bakuna.
Ayon kay DOH-Region 1 Medical Officer IV Dr. Rheuel Bobis na sa ngayon ay dalawang turok pa rin ng Covid-19 vaccines ang pinapayagan.
Paglilinaw rin nito na sa mga hindi pa rin makakatanggap ng kanilang ikalawang dose ng Gamaleya Sputnik V vaccine na hindi maaari ang pagtanggap ng ibang brand ng bakuna. Ito ay matapos magkaroon ngdelay sa suplay ng Sputnik V vaccine.
--Ads--
Pinaalalahanan rin niya ang lahat na mag-ingat sa mga kumakalat na fake news partikular na sa mga maling impormasyon ukol sa mga bakuna.