DAGUPAN, CITY— Nakikipag-uganayan ang embahada ng Pilipinas sa mga US forces upang magsagawa ng chartered flight para sa gagawing repatriation ng mga 78 mga Pilipinong naipit sa nangyayaring kaguluhan ngayon sa bansang Afghanistan matapos na masakop na ito ng mga Taliban.

Ayon kay Bombo International Correspondent Joseph Glen Gumpal at Presidente ng Samahang Pinoy sa Afghanistan, inaayos na ng embahada ang kanilang pag-uwi upang makaiwas sa tensyong nangyayari ngayon sa naturang bansa.

Aniya, unang plano umano ng pamahalaan ng Pilipinas na magpurchase ng commercial flight para sa mga OFW sa Turkish Airline ngunit dahil nagsuspende ang naturang airline ng 15 araw dahil sa pagdagsa ng mga tao sa mga paliparan.

--Ads--

Kaya naman nakipag-usap na ang embahada sa pwersa ng mga Amerikano na nasa nabanggit na bansa para sa gagawing pag-uwi ng mga OFW sa bansa.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga muna ng kanilang mga employer ang mga naipit na mga Pilipino sa naturang kaguluhan at hinihintay na lamang ang kanilang pag-alis doon.