DAGUPAN, CITY— Nasa 64 percent o meduim risk na ang utilization rate ng mga bed capacity ng mga ospital sa buong Rehiyon 1 para sa mga covid19 patients.

Ito ang ulat ni Dr. Rhuel Bobis, Medical Officer IV ng Department Of Health (DOH) Region 1 ukol sitwasyon ukol sa sitwasyon ng mga ospital sa rehiyon sa pagtugon sa mga natatamaan ng nabanggit na sakit.

Ang pagtaas sa utilization rate ng rehiyon ay dahil umano sa pagdami ng bilang ngayon ng natatamaan ng nabanggit na sakit na maaring dulot ng delta variant.

--Ads--

Aniya, kanila ring minomonitor ang bawat ospital na sakop ng kanilang saklaw upang masiguro na mabigyang prayoridad namatugunan ang mga pasyente sa nabanggit na sakit.

Nakikipag-unayan din umano sila sa mga ito upang malaman at matugunan ang pangangailangan ng mga ospital gaya ng iba’t ibang resource gaya na lamang mga gamot, hospital beds, at sapat na bilang ng personnel.

Dagdag pa rito, patuloy din ang kanilang paalala sa mga Local Government Units at mga otoridad na nangangasiwa sa mga border control checkpoints na mas palakasin at pag-igtingin pa ang pag-iinspeksyon sa mga indibidwal na pumapasok sa rehiyon.