Nanawagan ng tulong mediKal ang mga residente ng Haiti matapos masawi ang halos 300 katao dahil sa itinalang 7.2 na lindol sa bansa.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Marc-Henry Jean na isang Haiti National, sinabi nitong pangunahing pangangailangan umano ng residente mula sa naturang bansa ang mabigyan ng mga oxygen tanks at iba pang mga gamot ang mga tinamaan ng lindol. Aniya ilan sa mga Haitian ang nasasawi dahil sa matagal na pagbibigay at hindi nabibigyan ng mga tulong medikal.
Dagdag ni Jean na sana ay matutukan din ang problema sa elektrisidad sa bansa kung saan ay naitatala ang kawalan ng kuryente sa iba’t ibang bahagi ng lugar.
Malaking balakid din umano ang mga gang members na nang-aangkin ng ilang mga lugar sa naturang bansa kung kaya’t kaniyang paghingi ng tawag sa mga miyembro ng gangs na hayaang makalapit ang mga tulong medikal sa mga tao.
Humingi rin ng pakikiisa si Jean sa lahat ng mga organizasyon sa bansang Haiti na magkaisa upang matulungan ang lahat ng mga apektadong mga residente.