Nakapagtala ng 31 na panibagong kaso ng covid 19 dito sa lungsod ng Dagupan.

Sa anunsyo ni Dagupan City mayor Marc Brian Lim, sinabi nito na ito na ang pinakamataas na kaso na naitala sa isang araw na panibagong kaso sa buong taon.

Nababahala ang alkalde na malaki ang posibilidad na umiikot na rin sa mga komunidad ang ibat ibang variant ng covid 19 kabilang ang delta variant.

--Ads--

Ang delta ay mas nakakahawa at nakakamatay kaysa sa ibang variant kaya maging ang mga batang edad isa hanggang 3 taon ay maaring tamaan ng nasabing variant.

Dagupan City mayor Marc Brian Lim

Samantala, tiniyak ni Lim na tuloy ang vaccination program ng city government ng Dagupan.

Ayon sa alkalde, nakikipag ugnayan na sila sa Department of Health at national government upang mapalakaki ang alokasyon ng bakuna.

Dagdag pa niya na magha-hire ng mga karagdagang nurses ang ciudad para marami ang magbabakuna sa Astrodome at ipapadala sa mga quarantine areas.

Muling nanawagan ang opisyal sa publiko na sumunod sa mga public health protocol dahil ito ang pinakamabisang solusyon laban sa covid 19.

Muling inulit ni Lim na ang bakuna at disiplina ang sagot din upang malabanan ang covid 19.