Clinically recovered na ang kauna-unahang pasyente sa bayan ng Mangaldan na natuklasang positibo sa Beta variant.

Nabatid mula kay Mangaldan Covid-19 Focal Person, Dr. Racquel Ogoy na stable na ang kalagayan nito at patuloy ang monitoring sa pasyente na pinapayuhang magpatuloy at magdagdag pa din ng halos 2 weeks isolation kasama ng mga close contacts nito na nasa kategorya na asymptomatic.

Matatandaan na kamakailan ay itinala ang kauna-unahang kaso ng beta varian sa bayan na isang residente mula sa Brgy. Palua.

--Ads--

Ayon din kay Ogoy, alarming na kung maituturing ang mga naitatalang kaso at kalagayan ng kanilang nasasakupan dulot ng patuloy na pagtaas ng mga kanilang mga kumpirmadong kaso.

Naabot na aniya ng kanilang bayan ang pinaka peak na numero at sa ngayon nasa 47 active cases na kung ikukumpara sa maga nakalipas na araw, nasa 35 lamang ang kanilang maximum.

Bunsod nito, kabilang na ang kanilang bayan sa watchlist ng Provincial Health Office dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Nakatakda namang isagawa ngayon ang mass testing sa kanilang bayan katuwang ang Provincial Health Office.

Dagdag rin niya na malaking factor ng pagtaas ng mga kaso ng Covid-19 ay dahil sa mga tinatamaang mga frontliners kaya’t kaniyang pinaalahaanan ang mga mamamayan na manatiling sumod sa mga standard health protocols.

TINIG NI DR. RACQUEL OGOY