Inilabas ng OIC city health officer sa lungsod ng San Fernando La union ang resulta ng genome sequencing ng isang pasyente mula sa Poblacion East Natividad Pangasinan kung saan ay lumabas na nagpositibo sa delta variant.
Ang pasyente ay kabilang sa mga 20 umuwing OFWs na tinanggap ng mga OWWA duty officers nitong Agosto 3 sa drop off point sa Tplex Urdaneta city.
Ang pasyente na isang seafarer ay sumailalim sa 21 araw na mandatory quarantine,
Nabatid sa pagsusuri na ang tumama sa kanya ay delta variant.
Kabilang sa mga OFW na nakasabayan nito sa bus ay 14 mula sa lalawigan ng Pangasinan, partikular sa mga bayan ng Binalonan,Bayambang, Alaminos, Dagupan,Lingayen, Malasiqui, Manaoag, Natividad, Rosales , San Fabian at Santo tomas, isa mula sa Bauang, La Union, 5 mula sa Ilocos Sur partikular sa mga bayan ng Bantay, Narvacan , Santiago at Tagudin at isa ay mula sa Manabo, Abra.
Hiniling ng ahensya sa pamunuan ng OWWA na sumailalim ang mga nabanggit na OWWA duty officers sa RTPCR swab test na nag assist sa nasabing mga umuwing OFW.
Inatasan din ang mga ito na manatili sa isang hotel malapit sa drop point. Layunin ng test na malaman kung nagpositibo rin sila sa nasabing virus para na rin sa kapakanan ng ibang mga empleyado.