Walang mapagsidlan ang kasiyahan ng pamilya paalam kasunod ng panibagong panalo na nakamit ni Carlo sa pagpapatuloy ng karera nito sa Tokyo Olympics.
Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan, mangiyak-mgiyak na inihayag ni Michelene Paalam, kapatid na Carlo, na tiwala sila sa kakayahan nito sa larangan ng boxing.
Matatandaan na tinalo sa makapigil hiningang laban ni Pinoy flyweight boxer Carlo Paalam ang kalaban nitong si Japanese boxer Ryomei Tanaka
Bagamat umabot ng tatlong round, nagtapos ang laban sa isang unanimous decision matapos na dominahin ni Paalam ang tatlong round itoy kahit pa sinisubukan ni Tanaka lituhin ang atensyon nito dahil sa maingay na paglalaro.
Samantala, kasunod nito ay nagpasalamat si Michelene sa mga sumusuporta sa kapatid nito katulad ng Bombo Radyo.
Sa huli, hinikayat nito ang publiko na patuloy na suportahan ang kapatid para sa susunod at huling laban nito sa Sabado, Agosto 7, para tangkaing maiuwi para sa Pilipinas ang ikalawang ginto medal.
Nabatid na dahil sa pagkakatalo ni Carlo kay Tanaka ay sigurado na ang silver medal para rito.