Makakaranas pa rin ng pabugso-bugsong pag-ulan ang lalawigan ng Pangasinan dulot ng southwest monsoon o habagat ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA.

Sa pahayag ni Jose Estrada Jr. ang Chief Metereological ng PAGASA Dagupan sinabi nito na matatamasa pa rin ang mga isolated rains tuwing gabi o hapon dahil na rin sa namataang Low Pressure Area na nasa extreme northern Luzon na siyang nagpapalakas sa habagat at maaaring pumasok sa bansa.

Habang nasa labas naman ng Philippine Area of Responsibilty ang isang tropical depression na inaasahang hindi papasok sa bansa ay nakakaapekto rin sa ulang dulot ng habagat.

--Ads--

Payo rin ni Estrada na manatiling alerto at patuloy na sumunod sa mga alituntunin patungkol sa mga gale warnings na kanilang iaanunsiyo.

TINIG NI JOSE ESTRADA JR.