Patuloy pa ring pinaghahanap ang dalawang suspek na nasa likod ng malawakang pamamaril sa 37th Street Avenue sa Queens ng New York City kung saan sugatan ang 10 katao.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Bombo International Correspondent na si Estella Fullerton sinabi nito na ayon sa ulat ang tatlong miyembro ng Trinitarios gang ang target ng mga suspek at nadamay lamang ang pitong sibilyan na may mga edad 19 hanggang 72 gulang.

Aniya gumugulong pa rin ang imbestigasyon sa kinaroroonan ng mga suspek at itinuturing umano itong isang “gang incident”

--Ads--

Dagdag din ni Fullerton na nakuha naman sa CCTV ang naturang insidente pero dahil nakasuot sila ng welding mask ay mahirap makuhanan ng pagkakakilanlan ang mga salarin.

Aniya, nakikitang dahilan din ng pagtaas ng mga kaso ng mga shooting incidents ay dahil sa mas maluwag na patakaran ng pagkuha ng mga baril sa Amerika.

TINIG NI ESTELLA FULLERTON