DAGUPAN CITY– Patay ang isang magsasaka matapos makuryente ng live wire sa bayan ng Sison Pangasinan.

Nakilala ang biktima na si Eugene Marata, 49 anyos, residente ng Sitio Caalvarezan Brgy Esperanza sa nabanggit na bayan.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan, kay PMAJ MARIA THERESA MEIMBAN, Chief of Police ng Sison PNP, inihayag nito na base sa kanilang inisyal na imbestigasyon bago mangyari ang insidente ay galing ang biktima sa kanilang bahay at nagtungo sa bukid.

--Ads--

Habang naglalakaday kaniyang naapakan ang nakalaylay na live wire na hindi nito napansin dahil sa matataas na rin ang mga damo sa dinaanan nitong palayan.

Makalipas ng ilang minuto nang makita ng isang residente sa lugar ang biktima na nakahandusay kaya naman agad niya itong ipinarating sa kanilang punong barangay.

Agad namang binawian ng buhay ang biktima at hindi na rin ito naisugod sa pagamutan.

PMAJ MARIA THERESA MEIMBAN, Chief of Police ng Sison PNP

Kaugnay naman rito ay nagpaalala si Meimban sa mga residente na huwag ipagsawalang bahala kung may mga makikitang naputol at nakalaylay na mga mga linya ng kuryente at agad na ikonsidera na maaring live wire ang mga ito upang maiwasan ang katulad na insidente.