DAGUPAN, CITY— Inalerto ng pamahalaang panlungsod ng Dagupan ang mga mamamayan na nakatira sa mga low-lying areas at tabing ilog na mag-ingat, maging mapagmatyag, at maghanda dahil sa muling pagtaas ng tubig dulot ng high tide at pag-ulan dulot ng bagyong Fabian.
Ayon sa ulat, aasahang ngayong araw ang high tide level ay magaganap ng 8:32 a.m. na aabot sa 1.26 meters at tiyak na magdudulot ito ng tidal flooding sa mga pangunahing lansangan at mababang lugar sa lungsod.
Dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng habagat, patuloy din ang pagtaas ng level ng tubig sa Sinocalan River na karugtong ng Pantal River.
Kahapon, ang water elevation sa naturang ilog ay 5.8 meters na.
Bagama’t ito umano ay nasa ibaba pa ng normal level na 6.2 meters, inaasahang mabilis itong tataas dahil sa patuloy na pag-ulan.