Nilinaw ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. na ang natitirang pondo na aabot sa P482.15 milyon ng Philippine National Police (PNP) bilang bahagi ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC ay gagamitin sa iba pang programa.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan sinabi ni Esperon na siya ring NTF-ELCAC Vice Chairman, na isa sa mga programa ng PNP ay ang pagbibigay ng mga halfway houses sa mga sumukong mga rebelde kung saan ang nakalaan dito ay P5 milyon dito.

Matatandaang nabigyan ng isang bilyong pondo ang PNP upang magamit sa mga programang anti-communists noong 2020 national budget.

--Ads--

Paliwanag din niya na sa hindi nagamit na pondo ay dahil sa mga hindi pa naroprocure ang mga ito. Ayon na rin umano sa Chief PNP na magagamit pa ang natitirang balanse sa mga programa nito hanggang Disyembre.

Dagdag din ni Esperon na maraming programa ang mga kapulisan.

TINIG NI NATIONAL SECURITY ADVISER HERMOGENES ESPERON JR.

Magkaiba rin umano ang pondo nito sa Barangay Development Plan (BDP) kung saan nabibigyan ang bawat barangay na nasakop ng New People’s Armyat nagyo’y malaya na.. Sa loob ng programang ito ay makakatanggap ng 20 milyong piso ang bawat barangay.