Nagsuspendi ngayong araw ng operasyon ang San Roque Dam sa bayan ng San Manuel dito sa lalawigan ng Pangasinan .


Paliwanag ni Tom Valdez, Vice President for Corporate Affairs ng San Roque Power Corporation itoy dahil sumagad na sila sa 225.4 meters above sea level ang tubig sa dam.


Dahil dito hindi na sila makapag-generate ng kuryente hanggat hindi tumaas ang lebel ng tubig .

--Ads--


Tinawag nitong “unfortunate event” ang pangyayari at hiling na makaranas ng pag-ulan upang madagdagan ang lebel ng tubig sa dam.


Huli aniyang itong nangyari noong 2007 kung saan nakaranas ng maliit na inflow mula sa upstream.

Dagdag pa ni Valdez na babalik sila sa operasyon sa pagproduce ng kuryente basta’t bumalik na sa 225.5 meters above sea lebvel ang tubig sa dam.

Nabatid din kay Valdez na ang normal level dapat ng dam ay nasa 240 meters above sea level .